May ibat-ibang paraan para pumunta ng Puerto Galera. Pinaka-economical ang Public Transportation. Sumakay sa Bus na papuntang Batangas Pier sa Bus Station located sa Taft/Buendia. Around 300 pesos ang pamasahe. Pagdating sa Batangas Pier, dumerecho sa Yellow Gate Entrance and then proceed papunta sa Passenger Terminal. Kung may ticket ka na, magbayad ng Terminal Fee (30 pesos). May 3 Shipping companies na bumabyahe sa Puerto Galera – Montenegro Shipping Lines, Island Water Shipping Lines at Galerian Shipping Lines. Ang byahe mula Batangas Pier papunta sa Balatero Pier, Puerto Galera ay tumatagal mula 1 hour hanggang 2 hours depende sa sinakyang barko.
Kung gusto mong makarating sa Puerto Galera in less than 30 minutes, meron na mga water taxi na kayang kumarga ng 15 hanggang 24 na pasahero. Ang water taxi ay dumadaong sa Berberabe Pier, Batangas, at hindi sa Batangas Pier. Mas mahal ang sita ng water taxi pero kung mga 15 to 20 na tao ang sasakay ay halos parehas ang halaga ng pamasahe sa mga Public Ferries.
Ang isa pang paraan para makapunta sa Puerto Galera ay via Calapan Pier. Halos oras-oras ay may byahe mula Batangas Pier papuntang Calapan Pier, Mindoro, 24/7. Pagdating ng Calapan Pier, mag tricycle papunta sa Public Market ng Calapan na kung saan naroon ang himpilan ng mga saksayan na byaheng Puerto Galera.